however, that didn't work too.
don't ask me why. (",)
16.12.05
8:30 ng umaga, huwebes, ika-15 ng disyembre. araw ng huling christmas party ng mga fourth years sa quesci.
9 magsisimula yung party samen. pero, syet, ang sakit ng ulo ko. kagabi pa ito... tapos hindi pa ako nakakagawa ng sulat para sa avo... mapapatawad naman siguro ako ng mga tao diba...
kaya hayan, sige, sulat, pagkatapos i-print, naligo, nagbihis, kumuha ng matinong jacket at umalis ng bahay. di ko naman inaasahang ganun yung mangyayari sa classroom pagkarating ko.
oo, 11:30 na ako dumating. pero, mali ba yung intensyon ko? basta, nakakabadtrip. sorry dun sa mga taong naapektuhan, lalo na kay ma'am villar. hay. pero mula nun di na gumanda araw ko. oo, siguro may mga onting kasiyahan at katuwaan, pero hindi ko talaga na-feel na masaya ako.
tapos bigayan pa nung report cards... boom, 88 ako sa research. bumaba sa lahat ng asignatura. akala ko iiyak na ako. naramdaman kong uminit lalo yung katawan ko. at oo nga pala, hindi pa ako kumakain. nakakawalang gana.
kinailangan bang magpatong-patong lahat ng yun sa isang araw, na gaya ng sabi niyo, dapat memorable at masaya... pero hindi eh. sira na araw ko, ang sakit pa ng ulo ko, nagugutom pa ako. pasensya na.
maligayang pasko na lang sa inyong lahat... pakasaya kayo sa mga bakasyon nyo. eto nga pala yung letter...
minamahal kong mga katoto, kaklase, kabarkada, kapamilya, kapuso, kaibigan…
hay, pasensya na kung late na naman ako… sobrang tinamad akong gumising ng maaga, pagod nung isang araw, puyat pa… tapos naubusan pa ako ng pera, hindi ako nakabili ng regalo para sa inyong lahat, sorry talaga…
pero gaya nga ng sabi nung isa sa wishlist niya, hindi naman mga regalo ang mahalaga sa pagdating ng pasko, pero yung pagmamahal na ipinaparamdam natin para sa isa’t isa… at kayo na rin mismo ang nagsabi na kung may ibibigay man, kahit ano pa yan, basta ba galing sa puso, ayos na.
kaya bilang pasasalamat sa inyong lahat, dito na lang ako babawi, sa isang liham na linakipan ng pagmamahal… pagpasensyahan niyo na talaga ha…
waw, december 15 na… huling christmas party sa ika-apat at ika-huling taon natin sa quesci… kay bilis talaga ng panahon noh? naaalala ko pa yung first day, medyo grupo-grupo pa tayo nun, yung mga bec at curie 3 nga eh, nahihiya pang pumasok sa sarili nilang homeroom, yung isa nga eh, ayaw yatang maging avo nun, nagpapalipat pa sa bec… haha… tapos parang may tensyon pa nga sa pagitan ng isa’t isa, yung nagpapakiramdaman pa, alam niyo na yung ibig sabihin ko… hay, tapos sari-saring mga pangyayari ang nagdaan, tulad na lang nung filipino week, yung unang pagkakataon na magsasama-sama ang avo-4 sa isang pagtatanghal… tapos yung time na sinermonan tayo ng pagkatagal-tagal ni ma’am erpelo tungkol sa pakikitungo natin sa kapwa avo natin…
siguro pagkatapos nun, dun lang talaga tayo nagsikap bilang avo-4 sa kabuuan… feel ko lang… naalala niyo pa naman yung mga open forums natin, yung mga panahon na pawang mas malakas pa tayo sa casino filipino kung "mag-sugal"… yung mga sinubukan nating gawin para mapalapit sa isa’t isa, ano nga pala yun? yung sabay-sabay tayo lahat kakain, yung mga "good deeds"… siguro hindi nga naipasaptupad yung mga ganung "panukala", pero may foundation na ang avo-4 nun, noon pa lang…
meron pa yung family day natin, yung mga pagkain at "awards" at kung ano pang pa-ek-ek dyan… (onga pala, wala ako nun noh?) uhm… onga pala, pano ba mawawala sa isip nating lahat yung espanyol na si sir justin? (joke lang… yata...) tsaka yung field trip… tapos dumating ang science week, at si "astromon voyanazar" na sobrang nag-cram ang lahat, na kinarir natin ng todo… nag-first pa tayo… diba sobrang saya natin nun? hehe…
at ano nga pala yung pinakalatest na nangyari na hanggang ngayon nakatatak pa rin sa mga isip natin (tama ba?)… yung "nag-second" tayo sa carolfest? nung pinakita natin sa buong quesci na marunong tayong kumanta sa german at latin, at nung nadisqualify tayo dahil sa napakatalentado nating mga bata?
at andyan pa yung mga maliliit na bagay… yung pagtatatag ng "cooperative learning" sa tuwing magkakaron ng summative sa ap at mga problem set sa math? yung sangkatutak na litrato na ipinakuha natin kay kuya raymond(?) nung field trip? eh yung mga libreng french fries at sorbets na nakain niyo, nung mga panahong sobrang depressed tayo? yung mga kris kringle na pinagkaabalahan nating lahat (except dun sa mga hindi nagbigay… tamaan sana kayo!)? oo, sobrang dami pa ng mga nagdaan, tapos ngayon huling araw na natin magkikita bilang isang klase sa taong 2005… [syet, naiiyak na ako… hahaha… joke lang…] medyo nakakalungkot nga lang, kasi ako, personally, napakarami ko pang gustong sabihin at gawin, pero more than three months na lang… sabi nga ni miles, ang hirap talaga ng pa-graduate na…
hay, salamat sa inyong lahat… sa totoo lang, eto yung pinakamasayang taon ko sa quesci, so far… at dahil yun sa inyong lahat… salamat talaga... [ang drama ko ba?] nauubusan na ako ng sasabihin… ano pa ba? sige na nga, iisa-isahin ko na lamang kayo… sorry nga rin pala hindi ko kinayang gumawa ng tag-isang letter para sa inyong lahat…
hazel b… mamimiss ko yung panggugulo ko sa hair mo… waha… sobrang salamat sa lahat-lahat… at wala pa akong payong! hehehe… marella… hindi ko na alam kung sinong kakambal mo, si nice ba o si gelynne… at ayusin mo naman sana yung blog mo… hehe… namimiss ko na yung pag-ikot-ikot natin sa soccerfield… krizia… ang reyna ng pangingge… pero di ka na yata naglalaro ah… ay ewan… haha… anna cee… former seatmate ko na ubod ng drama… congratz nga pala sayo at sa mga kagrupo mo… salamat sa pakikiramay sa napakalungkot kong buhay, at sa pag-offer ng payong… arvie… isang super-committed na pangulo ng avo-4… mahilig magwalis ng classroom… salamat nga pala’t naappreciate mo yung gift ko sayo…
ruffa… lider naming sa math groupings… nagulat ako sayo dun sa binigay mo saken nung kris kringle… napakagalanteng bata… at napakabait din… salamat po… isadelle… napakatahimik na bata… sana mag-ingay ka naman kahit minsan… jamie… sana tumangkad ka ngayong bakasyon… hehehe… at maayos na rin ang hindi maayos-ayos mong buhok… at tigilan mo na yung drama sa blog mo! bwahaha… miles! sister dearest… saka na yung regalo ko sayo, naubusan ako ng pera, pasensya na… mag-update ka na ng blog mo, inaagnas nay un… matanong nga kita, sino na ba talaga? ang labo mo eh… haha… joke lang… labshu sis… carol… ang seatmate ko na may armalite… at mukhang pumapalit na kay kring-kring sa trono ng panginggera… pero ubod rin ng sipag, napakahusay mo! haha, pagpatuloy mo lang yan…
maikka… sana pumapasok ka ng at least four times a week! sobrang miss ka na po namin! hanggang ym ka na lang naming nakakausap… huhu… eileen… sino na si green? waha, sige ka, hanggang graduation kita kukulitin… coke float ko nga pala ha… jessica… ubod ng sipag na babae… di pa rin nagbabago… di joke lang, ayos lang yan… ipagpatuloy mo nawa ang mabuting gawi… anna l… sorry di ko mabibigay sayo yung bunny sa blue magic na hinihingi mo saken, wala na akong pera… hehehe… saka na lang ulet… cj… ang sobrang healthy kong seatmate… magpataba ka na, para sumaya-saya ka naman… hehe… ay hind, sabay na lang tayo magpataba… advanced happy birthday nga pala sayo… wahaha…
dina… nasa ulan ka pa rin ba? magpatuyo ka na kaya, kung ako sayo… o kaya maghanap ka na ng payong… wahaha… salamat sa pagtitiis saken pag kinukulit kita sa ym… gelynne… ang isa sa mga kambal ni marella… napakabibbong bata… hyperactive… mahusay rin magconduct… pakasaya ka na po sana dun sa fafa mo… waha… abi-abi… salamat-salamat-salamat talaga sa lahat… sa pakikinig sa mga walang kwenta kong pinagsasasabi… ayusin mo na nga rin pala ang hair mo na instant-ayos kuno… peace tayo… haha… clara… ang babaeng walang pahinga… yak… basta matulog ka naman… mahal na mahal ka naman nun ehh, hintayin mo lang siya… diba domeng? natnat… isa ka pa, magpakasaya ka naman sa buhay mo, kalimutan mo na yung student teacher nay un… hehehe…
nice… sorry di ko mabibigay sayo yung naipangako kong balloons… sorry talaga… at sobrang salamat… kahit na nai-issue na tayo dati di ka pa rin lumayo saken… wahahaha… labshu sobra… kamusta mo na lang ako sa mga boylets mo… monica… nagulat talaga ako dun sa swiss knife… salamat sobra… astig ka talaga… hehehe… kacie… pasensya ka na kung wala na akong ginawa kundi asarin ka… ganyan lang talaga ako magmahal… nyak! joke lang, joke lang. wahaha… dana… di ko alam kung baket mo gusto ng curly hair, feel ko di bagay sayo, magmumukha kang lalaki… at oo nga pala, bagay talaga kayo ni ano… wahaha… peace tayo ah… julia… sana ngayong pasko makatanggap ka ng bagong brief… nyahaha, joke lang po!
cleo… medyo mukhang stressed ka rin… makatulog ka sana ngayong bakasyon ng mahimbing at mahaba-haba… hintayin natin yung hp5 na movie… wahaha… kim… akala ko talaga nung una mataray ka, hindi pala… ay hindi, mataray ka pala talaga… peace po! hazel v… nabasa ko lahat ng nasa blog mo… sana sumaya-saya ka na rin… hehehe… klimutan mo na po yung research… noel… sayang hindi ka nakasama nung carolfest… masyado ka kasing committed kay pebs at sa journ eh… pero ayos lang yun… jay… ikaw yung huli kong naaalala na may hawak ng payong ko… wahaha… joke lang… ang galing mo palang tenor… hehehe…
ronnie… bagay talaga kayo nun. wahaha. joke lang! basta di ko kasalanan na kumalat yung issue na yan. kevin… wala ka pa ring ilong. ano ba yan. hahaha… pansin ko ang sipag mo na ngayong mag-aral. good luck na lang… adam… sana naaalala mo pa yung napag-usapan natin noong retreat… hahaha… quiet ka lang ahh… ronald… hindi naman bertdey ni nice ah… pero ang ganda na rin ng idea mo, sige na nga… sana magbati na kayo nung isa pang rj… pasko na naman eh… angelo… angel? hay ewan. ano bang nakain mo’t napakahusay mo na sa math, eh nung first year magka-level lang tayo? wahaha. joke lang po talaga!!!
gerald… kalimutan mo na si ma’am erpelo at yung babaeng taga-pisay... ang ganda-ganda ni ehl-ehy eh… wahaha… at onga pala, nabubulok na blog mo… update naman!... jason, ba’t napaaga punta niyo ng vietnam? tsk… nasan na sapatos ko? wahaha… onga pala, wala ka nang pag-asa kay vg, akin na yun… hahaha. joke lang… owen… toki… sa sobrang magbesprend niyo, iisa lang tanong ko… sino na ba? labo nyo kasi eh, pareho kayo ah… haha, joke lang… domeng… make a move na… ang isang tao’y hindi kayang maghintay ng buong buhay niya… wahaha…
ma’am villar… thank you po sa laging pagpapaalala sa akin na magsikap sa pinoy, kahit hindi ko talaga kaya… salamat rin po sa walang sawang pagsaway niyo sa amin, naiintindihan rin naman po namin kayo ehh…
hayan, natapos ko na rin! di pala ganun kadaling gumawa ng sulat. hmmp. senxa na walang kwenta mga pinagsasasabi ko… maligayang pasko sa inyong lahat… pakasaya kayo ngayong bakasyon… mamimiss ko kayo… god bless sa inyong lahat… mahal na mahal ko kayo, avo-4... (",)(.")(",)
g_b got tired of senseless ranting by 18:30. |
it was just about now when i noticed that people write things about themselves in the profile section of their online diaries. then i looked at my former blog sites, and, it was like... whoa, am i really that weird?
so maybe it's time for a bit of change, a touch of conventionalism. for once, at least.
well, you see the guy in the picture? yeah, that spectacled boy running in haste? that's supposed to be me, j. gabriel de leon y limpin... what does j stand for, you ask? it's for me to know and for you to find out if you still don't know.
i'm a 16-year old boy who wears a pair of glasses, sports unkempt hair, and usually dons loose clothes. i might look a bit plump in the drawing, but in actuality i'm a tall, dark, skinny, frail guy who always forgets to drink his milk and take his breakfast. up to know i still wonder how come i stand at five-feet-eight-inches but weigh only 102 pounds...
way back then, i was a small, plump kid who showed a lot of promise. during parties, my mom and dad would usually strut around and boast of how intelligent, how healthy, how handsome i was. for eight or so years, that had been the case. i got my share of respect, like this little prince...
then came a heartbreak, and high school.
inexplicably, i suddenly became a complacent and idle guy who fell in love with my personal computer too much, even to the point of forgetting if i already had dinner. i was transformed into a student ridiculously full of potential but never getting to use the stuff. i developed a very healthy sleeping habit that made me garner the honorable distinction of being the student earliest for the nth class.
high school went on, heartbreaks pursued at will, and down to oblivion went that once promising young kid. so much for the pride of my parents.
today, i still look back to him. in fact, i'm trying to revive him, after four years of dormancy, or something more like stagnation. impossible, yes, but it's worth a try. too late, maybe, but i'll prove that it's not.