however, that didn't work too.
don't ask me why. (",)
22.12.05
"o, anak, sige ha, magpakatino kang bata ha!"
mga huling katagang ibinigkas ni itay bago ako iwan na mag-isa na may dalang dalawang bag sa tapat ng isang berdeng pinutang bakal noong kinagabihan ng diysembre 17, taong 2005. aba eh, iiwan na nga lang ako dito, kung kausapin pa ako eh parang 7-year old ang kaharap. tignan mo nga naman mga magulang ko. hay...
ito ang siyang gumulong sa isipan ko habang pinilit na dalhin ang di naman gaanong kabigatan na mga bag papasok sa gate na iyon. sinalubong ng aking mga mata ang isang tanawin na, sa loob ng labintatlong taon, ay naging pamilyar na, mula sa de-sementong sahig nito na wala ni isang bakas ng pinturang bahid, sa mga pader at poste nitong yari sa kung anumang bato man yun, ang puntod ni ave maria na tila'y napabayaan sa isang sulok, ang puno ng langka na humaharang sa paningin ng batong puntod, ang mga santan na nakahilera sa may gilid ng pader, ang mga marmol na silya't lamesang baku-bako na ang paanan, ang mga bumbilyang nagpapaaliwalas sa diwa ng pasko tuwing gabi...
maligayang pagdating sa bahay ni lola... at lolo.
ito'y kagawian nang pinagagawa sa akin tuwing panahon ng kapaskuhan - pagbabakasyunin sa lugar, kasama ang iyong mga matatandang kamag-anak, aalagaan sila, papakinggan ang kanilang mga pilosopiya't pagdadada, pagtitiis sa kanilang mga bulyaw at sigaw. hindi sa ako'y mag-isa lang dito, na siya namang aking ikinatuwa nang sinalubong ako ng ilang mga pinsan ko... kahit papano'y may kasama ako sa aking pagdadalamhati, ah este, pagsasaya.
"magandang gabi po sa inyo..." ang siyang malamig kong bati sa aking mga... kasambahay. nariyan ang lolo, nakaupo sa sofa, abalang naglalaro ng solitaryo habang nanonood ng kung anu man yun sa TV. sa gilid niya'y nakaupo ang dalawang pinsan kong babaeng nanghihilot sa kanya, na maituturi ko nang spoiled - alam niyo naman ang mga matatanda ngayon eh, ibibigay lahat sa kanilang mga apong babae... sa kabilang dako'y nariyan ang lola, nakaupo sa rocking chair... dun siya nakaupo halos buong maghapon, ang sakit daw kasi ng katawan niya, may arthiritis yata... parito't pariyan naman ang dalawa kong mga "sanggol" na pinsan, na pinaglalaruan ng apat ng mga pinsang kong lalaki, na siya namang nagsitayuan nang dumating ako... para batukan at sabunutan... ay, joke lang, wala nga pala ako sa paaralan. haaay...
ewan ko ba, pero ayaw na ayaw kong nakikita ang lugar na ito. siguro nga kasalanan na di ako napalapit sa mga sa pamilya ko.... o kasalanan ko ba? hindi ko rin masasabi eh. basta ngayon, ganito na ako. mahal ko pa rin sila, oo... pero alam kong may distansya. nagpapakarebelde ba ako?
hay. pero dahil napadayo na ako dun, wala na akong magagawa kundi manatili...
pagdating ko doon, linapag ko yung mga gamit ko sa isang sulok, at nakiupo sa sahig kasama ng mga pinsan ko, at nanahimik habang nanonood... nang si lolo'y biglang bumulyaw -
"ano ba yan! bihira na nga lang kayo magkakasama, eh TV pa yang inaasikaso niyo! magkwentuhan kayo!"
hay nako. gaya ng lagi. hindi mo nga naman sila masisisi... may punto rin siya. kaso nga lang, alam naman nating ang mga matatanda hindi mapakali pag walang kausap, pag tahimik. kaya nga kami pinadala dun ng mga magulang namin eh, para aliwin sila. yun lang talaga. nakakainis, kaso ano bang magagawa ko?
kaya hayun. tumigil kami sa panonood... pero hindi rin kami nagusap-usap. lintik, di talaga kami malapit sa isa't isa. tapos kung mag-uusap man, eh ano namang topic, babae, porma, laro. di mo sila masisisi, ganun talaga buhay sa probinsya eh, bihira lang silang dumayo sa maynila. ano ginagawa namin? pagkagising, maghihilamos, magkakape, magbabasa ng diyaryo, pupunta sa plaza't maglalaro, uuwi, uutusan at sisigawan ng lolo o lola, manonood ng TV, kakain, maliligo, matutulog. ganun kasimple ang buhay pag sila kapiling mo. ganun kawalangkwenta. bwiset.
buti na lang may cellphone, may telepono, at may mga taong nakakaalala sayo, kahit papano. salamat sa inyo... tapos pagdating ng gabi, hindi ako makatulog. titingin sa relos, aba, alas-tres na. ganito ang buhay ng malayo sa desktop computer ko. buti nga hindi pa ako inaatake ng asthma eh.
naku, tinatamad na akong magkwento. walang pinatutunguhan ang buhay ko dito sa bahay ni lola't lolo. magandang hapon sa inyong lahat...
g_b got tired of senseless ranting by 15:05. |
it was just about now when i noticed that people write things about themselves in the profile section of their online diaries. then i looked at my former blog sites, and, it was like... whoa, am i really that weird?
so maybe it's time for a bit of change, a touch of conventionalism. for once, at least.
well, you see the guy in the picture? yeah, that spectacled boy running in haste? that's supposed to be me, j. gabriel de leon y limpin... what does j stand for, you ask? it's for me to know and for you to find out if you still don't know.
i'm a 16-year old boy who wears a pair of glasses, sports unkempt hair, and usually dons loose clothes. i might look a bit plump in the drawing, but in actuality i'm a tall, dark, skinny, frail guy who always forgets to drink his milk and take his breakfast. up to know i still wonder how come i stand at five-feet-eight-inches but weigh only 102 pounds...
way back then, i was a small, plump kid who showed a lot of promise. during parties, my mom and dad would usually strut around and boast of how intelligent, how healthy, how handsome i was. for eight or so years, that had been the case. i got my share of respect, like this little prince...
then came a heartbreak, and high school.
inexplicably, i suddenly became a complacent and idle guy who fell in love with my personal computer too much, even to the point of forgetting if i already had dinner. i was transformed into a student ridiculously full of potential but never getting to use the stuff. i developed a very healthy sleeping habit that made me garner the honorable distinction of being the student earliest for the nth class.
high school went on, heartbreaks pursued at will, and down to oblivion went that once promising young kid. so much for the pride of my parents.
today, i still look back to him. in fact, i'm trying to revive him, after four years of dormancy, or something more like stagnation. impossible, yes, but it's worth a try. too late, maybe, but i'll prove that it's not.